Home NATIONWIDE Ilang Pinoy nagpahayag ng suporta kay Digong sa labas ng Hague prison

Ilang Pinoy nagpahayag ng suporta kay Digong sa labas ng Hague prison

MANILA, Philippines – Daan-daang Pilipino ang nagtipon sa harap ng Scheveningen Prison sa The Hague, Netherlands, upang ipakita ang kanilang suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte habang hinihintay ang kanyang pagdating.

Kumanta ang mga tagasuporta ng Lupang Hinirang at iwinagayway ang watawat ng Pilipinas. May ilan pang naglakbay mula sa iba’t ibang lungsod sa Netherlands at kalapit na mga bansa tulad ng Germany.

Lumapag ang eroplano ni Duterte sa Rotterdam The Hague airport noong hapon at inaasahang inilipat siya sa Scheveningen Prison matapos nito. RNT