Home NATIONWIDE Digong ayos lang: So be it if this is my destiny

Digong ayos lang: So be it if this is my destiny

MANILA, Philippines – Tiniyak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na “okay” siya at huwag mag-alala habang papalapag ang kanyang eroplano sa The Hague matapos ang stopover sa Dubai.

Sa isang video sa kanyang Facebook page, inamin ni Duterte ang mahabang legal na laban na kanyang haharapin matapos siyang arestuhin ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng mga pagpatay na may kaugnayan sa kanyang kampanya kontra droga.

Muling iginiit ni Duterte ang kanyang pananagutan sa mga aksyon ng law enforcement at militar sa kanyang administrasyon, sinasabing siya ang laging nangako na poprotektahan sila at mananagot sa lahat.

Handa siyang harapin ang legal na proseso at tanggapin ang kanyang kapalaran, idinagdag niya, “So be it if this is my destiny.” RNT