Home HOME BANNER STORY Ilang Pinoy sa Qatar arestado sa pagsasagawa ng political demonstration

Ilang Pinoy sa Qatar arestado sa pagsasagawa ng political demonstration

MANILA, Philippines – Arestado ang ilang Pinoy sa Qatar sa pagsasagawa umano ng hindi awtorisadong political demonstration, kinumpirma ng Philippine embassy sa Qatar nitong Biyernes, Marso 28.

Sa pahayag, sinabi ng embahada na batid nila ang ulat tungkol sa ilang Filipino na inaresto at na-detain dahil sa pagsasagawa ng political demonstration.

Idinagdag pa na nakausap na nila ang mga lokal na awtoridad para sa probisyon ng kinakailangang consular assistance.

Matatandaan na nag-abiso na ang embahada sa mga Filipino sa Qatar “to respect local laws and customs related to mass demonstrations and expressions of political grievances.”

Hindi naman tinukoy kung ang political demonstrations ay may kaugnayan sa kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ngayon ay naka-detain sa The Netherlands sa crimes against humanity charges sa International Criminal Court. RNT/JGC