MANILA, Philippines – Gumaan ang pakiramdam ni dating Presidential spokesperson Harry Roque sa pananatili sa The Netherlands matapos makapaghain ng asylum petition.
Si Roque ay nanghingi ng asylum sa kabila ng arrest warrant para sa contempt na inisyu ng Kamara dahil sa bigo niyang pagdalo sa imbestigasyon kaugnay sa Philippine offshore gaming operators (POGOs).
Iniuugnay si Roque sa illegal na mga aktibidad sa POGO hub sa Pampanga at Tarlac.
“I have now a bonafide asylum seeker,” sinabi ni Roque matapos itong dumalo sa pagtitipon para sa selebrasyon ng kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Di na ko mapapadeport pabalik ng Pilipinas hanggang hindi matapos ang aking application,” aniya.
“The process of application is about 1 and a half years.”
Sinabi rin ni Roque na matapos mag-isyu ng arrest warrant ang Kamara laban sa kanya ay ilang buwan na rin siyang nagtatago.
“Wala nang tago nang tago kaya nga pumirma ako ng aking application. Sabi ko nga first time in 6 and a half months hindi na nag ako nagtatago.” RNT/JGC