Home NATIONWIDE Ilang taxi driver huli sa paniningil ng sobra sa mga pasahero sa...

Ilang taxi driver huli sa paniningil ng sobra sa mga pasahero sa NAIA

319
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) ang mga taxi driver na sangkot sa contract-based fares, kung saan ang ilan sa mga ito ay naniningil ng sampong beses na mas mataas sa regular rate.

Ayon sa ulat, isa sa 11 taxi drivers na nahuli ay naniningil ng P300 na pamasahe sa pasahero sa halip na gumamit ng taxi meter.

Kinuha ang lisensya nito at isasailalim sa imbestigasyon.

“True enough, napatunayan naming meron talagang contracting beyond dun sa standard dun sa supposed meter,” pahayag ni Police Brigadier General Jason Capoy, AVSEGROUP director.

Maaaring maharap sa pagbawi ng kanilang temporary operations permit mula sa Land Transportation Office ang mga sangkot na drayber.

“Once they will still do the same violation, subject for revocation of license and franchise po ito,” dagdag ni Capoy.

Sa imbestigasyon, sinabi ng AVSEGROUP na ilan sa mga taxi driver ay nanghihingi ng sobra sa karaniwang pamasahe, katulad ng naunang report kung saan umabot sa P1,200 ang pamasahe sa taxi mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 patungong Terminal 1.

Iniimbestigahan na rin ng AVSEGROUP ang posibleng mga kasabwat ng taxi driver sa NAIA.

“If find na may talagang nakikipag kuntaabahan at nakinabang, we will file the necessary administrative kung active pa sila or criminal case,” ani Capoy. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here