Home NATIONWIDE 2nd batch ng 20 Pinoy mula sa Israel makakauwi na rin –...

2nd batch ng 20 Pinoy mula sa Israel makakauwi na rin – DFA

MANILA, Philippines – Inaasahang makakauwi na sa Manila sa darating na weekend ang 20 pang Filipino mula sa Israel.

“They could arrive tomorrow or Saturday. Straight from Israel via Bangkok, maybe. [The Department of Migrant Workers, or DMW, is] in charge,” ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega.

Ipinaliwanag ni De Vega na hindi naisapinal ang arrival dates ng mga ito dahil mabilisan lamang ang pagbili ng ticket sa eroplano ng mga repatriates.

Ang unang batch ng repatriates mula sa Middle East, partikular na sa Israel, Jordan, Palestine at Qatar, ay dumating sa bansa noong Martes habang ang unang grupo ng repatriates mula sa Iran ay inaasahang darating ngayong araw.

Kamakailan ay inirekomenda ng Philippine embassy sa Israel na ibaba ang Alert Level dito kasunod ng pinagkasunduang ceasefire kasama ng Iran.

“For Israel, there is already a recommendation to lower it to Alert Level 2. But we still have to get the approval of the secretary,” sinabi ni Foreign Assistant Secretary Germinia Aguilar-Usudan. RNT/JGC