
Ang mga bagong halal na opisyal ng Las Piñas City, kabilang sina Mayor April Aguilar, Vice Mayor Imelda T. Aguilar, at Congressman Mark Anthony Santos, ay pormal na nanumpa sa tungkulin sa isang seremonyang ginanap sa Las Piñas City Hall nitong Hunyo 27.
Kasama rin sa mga nanumpa ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod mula sa District 1 at District 2 kabilang ang nangunang Konsehal ng Las Piñas City na si Councilor Alelee Aguilar Andanar.