Home HOME BANNER STORY Iligal na aktibidad ng diplomatic execs tatalupan ng DFA

Iligal na aktibidad ng diplomatic execs tatalupan ng DFA

MANILA, Philippines – IIMBESTIGAHAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang report ukol sa illegal at labag sa batas na aktibidad ng mga diplomat.

Sa isang kalatas, sinabi ng DFA na habang ang mga foreign diplomat na accredited sa Pilipinas ay pinagkalooban ng mga kinakailangang kalayaan para maisagawa ang kanilang tungkulin, ang mga ito ay “expected to conduct their diplomatic activities with the highest standards of integrity and professionalism, in pursuit of common interests and mutually beneficial outcomes.”

Ang Philippine government ay “strong advocate” ng rules-based governance, sinabi ng DFA na ang bansa ay “firm and united in respecting and upholding the rule of law in both the domestic and international environment”.

“It is in this context that the Philippines — as a responsible member of the international community of nations — has consistently called for adherence to international law, including the United Nations Charter, the Vienna Conventions governing inter-state relations, and in the maritime domain the 1982 UNCLOS [United Nations Convention on the Law of the Sea], among others,” ayon sa DFA.

Ipinalabas ng DFA ang kalatas nito matapos na kapuwa manawagan sina Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. at National Security Adviser Eduardo Año sa ahensiya na “appropriate actions” laban sa mga indibiduwal mula sa Chinese Embassy sa bansa “for potentially violating the Anti-Wire Tapping Act and breaching diplomatic protocols and conventions.”

Matatandaang, ipinalabas ng Chinese Embassy ang isang recording ng di umano’y phone call kasama si Armed Forces of the Philippines – Western Command chief Vice Admiral Alberto Carlos ukol sa “new model arrangement” on the Ayungin Shoal. Kris Jose