MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang Ilocos Norte nitong Miyerkules, Disyembre 4.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang sentro ng lindol sa kanluran ng Bangui na naganap 2:54 ng madaling araw.
Una itong naitala sa magnitude 5.9 ngunit kalaunan ay ibinaba sa 5.7.
Tectonic in origin ang lindol at may lalim na 23 kilometro.
Naramdaman ang Intensity V ng lindol sa City of Laoag, Pagudpud, Dumalneg, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Adams, Sarrat at San Nicolas sa Ilocos Norte
Intensity IV sa City of Batac, Currimao at Pinili sa Ilocos Norte; Sinait, City of Vigan, San Vicente, Santa Catalina, Bantay, Santa Lucia, Santa, Narvacan, San Esteban, Cabugao,San Juan, Caoayan, Magsingal, San Ildefonso, Santa Cruz, Santo Domingo, Santiago, City of Candon, at Santa Maria sa Ilocos Sur; Lacub, Tayum, San Juan, La Paz, San Isidro, Pidigan, Bangued, Tubo, at Bucay sa Abra; Baguio City; Atok, at Buguias sa BENGUET; Besao at Bontoc sa Mountain Province.
Habang Intensity III naman ang naramdaman sa La Trinidad sa Benguet
Inaasahan ang mga pinsala at aftershock sa nangyaring lindol. RNT/JGC