Home ENTERTAINMENT Kuya Boy, hiningan ng payo sa ex na nananakot!

Kuya Boy, hiningan ng payo sa ex na nananakot!

201
0
Screenshot

Manila, Philippines- Isang ex na ‘di maka-move on ang pumunta sa programang CIA With BA.

Dumulog si Belinda (hindi niya tunay na pangalan) sa segment na ‘Payong Kapatid’ upang humingi ng tulong at payo tungkol sa kanyang ex-boyfriend na patuloy na nananakot at nanggugulo matapos niyang makipaghiwalay.

Ayon kay Belinda, malinaw na niyang sinabi sa dating kasintahan na ayaw na niyang makipagbalikan, ngunit hindi ito matanggap ng lalaki.

“May mga ginugulo siyang mga tao para maka-reach out sa’kin,” aniya.

“Kapag nagkikita naman po kami, nananakit naman po siya.”

Ang sitwasyon ay mas lalong lumala nang magsimula ang lalaki na gumamit ng death threats upang pilitin siyang bumalik sa relasyon.

“’Pag hindi ko siya sinunod, sinasabi niya, papatayin niya ‘yung nanay ko, ‘yung mga kapamilya ko, mga kaibigan ko, ‘yung mga kakilala ko,” wika ni Belinda.

Dahil dito, hindi na raw alam ni Belinda kung ano ang dapat niyang gawin upang tuluyan nang matigil ang pangha-harass ng kanyang dating kasintahan.

Sinabi ni Kuya Boy Abunda, isa sa mga hosts, na kailangan niyang iwasan ang kanyang ex to be safe dahil may threats nang kasama.

“Kailangan mong humingi ng assistance ng barangay para magkaroon ka ng protection,” sabi pa ni Kuya Boy.

Ibinahagi naman ni Senador Pia Cayetano, isa sa mga hosts, ang mga hakbang na maaaring gawin ni Belinda upang maprotektahan ang sarili.

Una rito ay ang pagkuha ng Barangay Protection Order (BPO). Isang legal na hakbang na inisyu ng barangay upang protektahan ang mga biktima ng domestic violence o pang-aabuso at may bisa sa loob ng 15 araw.

Bilang alternatibo, ipinayo rin nj Sen. Pia na maaari ring magsampa si Belinda ng Temporary Protection Order (TPO) mula sa korte.

Sinamahan din ng programa si Belinda sa kanilang barangay upang magsampa ng reklamo.

Ang ‘CIA with BA’ ay napapanood tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, may mga replay sa GTV tuwing Sabado, 10:30 p.m. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here