Home OPINION IMBESTIGASYON NG BLUE RIBBON COMMITTEE HIGIT NA MAHALAGA KAYSA IMPEACHMENT

IMBESTIGASYON NG BLUE RIBBON COMMITTEE HIGIT NA MAHALAGA KAYSA IMPEACHMENT

64
0

KUNG importante man ang impeachment, kasing-halaga o higit pa ang imbestigasyon nang buong Senate Blue Ribbon Committee sa flood control scandal at iba pa..

Kung mahalaga ang malinawan at may dapat managot sa paratang na P120 milyon-P600 milyong confidential fund at P6 bilyong AMLA transaksyon ni Vice President Sara Duterte, mahalaga o higit na mahalaga ang P1.3 bilyong iskam sa flood control, P10B sa Department of Education school building, P60B sa PhilHealth, daang-daang bilyong pisong unprogrammed funds at iba pa.

Sa confidential fund at AMLA iskandal, iisa o iilang tao ang tatamaan.

Ngunit sa mga korapsyon at nakawan sa 1.3B flood control, P10B school building program, P60B PhilHealth at daan-daang bilyong unprogrammed funds, marami ang sangkot at sila’y mula sa Kongreso hanggang sa Palasyo, kasama ang mga departamento ng Public Works and Highways, DepEd, at iba pa.

Bilang sulyap sa P10B school building program, inilitaw ito ni VP Sara makaraan nitong barahin ang pangingikbak ng mga kongresman sa P5B school building program nang Kalihim pa siya ng DepEd.

Bagaman isinauli na ang P60B PhilHealth fund na kinupit noong 2024 sa utos ng Supreme Court, nanggaling ito sa buwis ng mga mamamayan at hindi galing sa mga korap at may hindi pa naisasauli…ang sinamsam din ng gobyerno na nasa P60B PhilHealth noong 2025.

Ang bilyon-bilyong unprogrammed funds na kinukwestiyon ngayon sa Supreme Court, kasama ang PhilHealth, ay tila naisama sa P1.3T flood control scam.

Kung wala muling kudeta at mananatili ang bagong mayorya, sana maitayo muli ang Senate Blue Ribbon committee upang imbestigahan ang mga kongresman, taga-Palasyo, brave 18 Marines at sundalo at dating Congressman Zaldy Co total naman pwede na siyang maging resource person sa komunikasyong internet.

Diyan na lilitaw ang buong katotohanan at dapat na managot ang lahat na dapat managot.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here