Home NATIONWIDE Imbestigasyon ng ICC ‘di haharangin ng OSG – SolGen

Imbestigasyon ng ICC ‘di haharangin ng OSG – SolGen

MANILA, Philippines- Nanindigan si Solicitor General Menardo Guevarra na hindi maaaring pigilan ng Philippine government ang prosecutor ng International Criminal Court (ICC) para makapanayam ang mga itinuturing na persons of interest sa imbestigasyon nito sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Iginiit ni Guevarra na mandato ng ICC prosecutor na magsagawa ng imbestigasyon sa anumang paraan.

“He can interview anyone by phone, by email, through local organizations, even face-to-face if the subject consents to be interviewed,” ani Guevarra.

Binigyan-diin ng Solicitor General na walang legal na obligasyon ang gobyerno ng Pilipinas para makipagtulungan sa ICC.

Nilinaw din ni Guevarra na ang kanyang pahayag ay parehas at hindi taliwas sa polisiya ni Pangulong Marcos gaya ng pahiwatig ni Senador Bato dela Rosa.

Kabilang sa limang persons of interest ng ICC ay sina dating PNP chief at ngayo’y Senador Ronald Dela Rosa, dating PNP Chief Oscar Albayalde, dating PNP-Criminal Investigation and Detection Group Chief Romero Caramat Jr., dating Commissioner of the National Police Commission Edilberto Leonardo, at dating PNP Chief Intelligence Officer Eleazar Mata. Teresa Tavares