Home NATIONWIDE Imee, ibang-iba kay PBBM – VP Sara

Imee, ibang-iba kay PBBM – VP Sara

MANILA, Philippines – Iginiit ni Vice President Sara Duterte na ibang-iba si Senador Imee Marcos sa kapatid nitong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay sa kabila ng pagkwestyon ng publiko sa pag-endorso ni Duterte kay Imee.

“Magkaiba si Senator Imee Marcos at si BBM,” anang Bise Presidente.

“Tulad na lang rin ng example ko—na hindi parehong tao at magkaiba din kami ni [dating] Pangulong Rodrigo Duterte at iba din si Inday Sara.”

Sinabi rin ni Duterte na kilala niya na si Imee noon pang 2012 at kumpiyansa siya sa work ethic at pagtatrabaho ng senador.

“Hindi niya pinapabayaan ang problema niya. Ang problema ng bayan, hindi niya pinapabayaan ang mga pangako niya. Nagbibigay siya ng solusyon at nag-iisip siya,” ayon pa kay VP Sara.

Matatandaan na inendorso ni Duterte si Imee Marcos, ilang linggo lamang matapos itong kumalas sa senatorial slate ng Pangulo. RNT/JGC