MAY maaasahan pa ba tayong mas maayos na pamamalakad ng pamahalaan kung unti-unti nang nawawala ang paggalang sa isa’t isa at tila nangingibabaw ang pansariling interes?
Ang mga tao ngayon ay umaasa na darating ang pagbabago dahil walang tigil na debate tungkol sa katiwalian ngunit nakatitiyak ba tayo na siguradong may magbabago?
Ang mabuting pamamahala ay hindi lamang nasusukat sa mga proyekto o talumpati, kundi sa kakayahan ng mga lider na makinig, magpakita ng paggalang, at maglingkod nang may pananagutan.
Ang pinag-uusapan ngayon ay ang mga taong kalahok sa impeachment na mga mahinahon na kahit nagsasagutan ay walang personalan. Mapadepensa man o prosecution side halata na umiiwas na magbitaw ng maaangas at at insulto sa pagsagot.
Kung papansinin natin, parehong magalang ang magkabilang counsel sa isa’t isa at sa hukuman. Walang hindi kailangang grandstanding, walang halong kaartehan, at walang personalang sagutan. Pareho silang kalmado, relaxed, at malinaw kung magpaliwanag.
Ang pokus ay nasa batas, sa mga argumento, at sa mga ebidensiya—hindi sa pagpapakitang-gilas. Ganyan ang uri ng paglilitis na nagbibigay ng dignidad sa hukuman at mas madaling sundan ng publiko.
Malalaman talaga kapag seasoned litigation lawyers ang humaharap sa korte. Kitang-kita ang lalim ng kanilang karanasan sa paraan ng pagsasalita, pagtatanong, at paglalahad ng mga argumento.
Hindi nila kailangang magtaas ng boses o magpakitang-gilas upang maging epektibo. Nananatili silang magalang, kalmado, at propesyonal kahit matindi ang palitan ng pananaw.
Ang isa pang nagpapatibay ng laban ay matibay na ebidensya na may testimonya ng testigo.
Ang nagdedepensa ay hindi dapat makipag-away dahil lamang sa pinahiya siya ng kanyang kalaban sa sa botohan kundi sino ang maraming kakampi ay iyon ang magwawagi.
Kung sariwa pa sa inyong isipan nangyaring impeachement kay Erap muntik ng masayang ang pagod ng mga lumahok sa nasbing paglilitis at ito ay mauulit kapag hindi maayos ang gagawin ng bawat kalahok.






