Home OPINION DOLE DO 252-25 AT MANDATORY 8-HOUR OSH SEMINAR

DOLE DO 252-25 AT MANDATORY 8-HOUR OSH SEMINAR

1
0

SA bawat pagpasok ng isang empleyado sa trabaho, ang kanyang kaligtasan at kalusugan ang dapat maging prayoridad. Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga ng pagpapatupad ng Department of Labor and Employment Department Order No. 252-25, na lalong nagpapatibay sa Occupational Safety and Health Standards sa Pilipinas.

Isa sa pinakamahalagang requirement ng kautusan ay ang pagpapatuloy ng Mandatory Eight-Hour OSH Seminar para sa lahat ng mga manggagawa. Hindi ito simpleng orientation o compliance lamang. Isa itong maituturing na investment para matiyak na ang bawat empleyado ay may sapat na kaalaman kung paano maiiwasan ang aksidente, occupational illnesses, at iba pang hazards sa workplace.

Sa loob ng walong oras na training, natututo ang mga manggagawa kung paano kilalanin ang kanilang mga karapatan tulad ng right to know, right to refuse unsafe work, right to report accidents at right to personal protective equipment.

Hindi lamang empleyado ang nakikinabang dito. Malaki rin ang advantage para sa mga kompanya. Kapag kasi well-trained ang workforce, lumalaki ang tyansang bumaba ang bilang ng workplace accidents. Nagbibigay daan din ito sa mas mataas na productivity, mababang absenteeism, at oportunidad na maiwasan ang penalties dahil sa non-compliance sa OSH regulations.

Sa panahon ngayon na patuloy na nagbabago ang workplace risks mula sa construction at manufacturing hanggang sa offices at logistics, hindi sapat ang umasa sa experience lamang. Ang pagkakaroon ng tama at sapat na training ay nagbibigay ng confidence at tamang mindset para makagawa ng ligtas na desisyon ang isang manggagawa sa araw-araw.

Ang Mandatory 8-Hour OSH Seminar ay hindi lamang tungkol sa pagsunod sa batas. Ito ay tungkol sa pagprotekta sa bawat empleyado na pinakamahalagang asset ng bawat kompanya.

Dear readers, ang tunay na sukatan sa pagiging responsableng employer ay hindi lamang ang pagpapalago ng negosyo, kundi ang kakayahang protektahan ang kanyang mga manggagawa sa bawat araw ng kanilang hanapbuhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here