Home NATIONWIDE Ina, 7-buwang gulang na sanggol, nasagip sa lumubog na M/V Trisha Kerstin...

Ina, 7-buwang gulang na sanggol, nasagip sa lumubog na M/V Trisha Kerstin 3

179
0

MANILA, Philippines – Isang ina at kanyang pitong buwang gulang na sanggol — itinuturing pinakabatang survivor sa trahedya — ang nasagip mula sa lumubog na M/V Trisha Kerstin 3.

Ibinahagi ni Nur-Razam na halos tatlong oras silang na-stranded sa dagat ng kanyang sanggol bago sila nasagip.

“Buti talaga hindi siya nag-iyak-iyak… Malamig, pero siya parang wala lang talaga. Madilim, wala kang makikita, tapos kung may maririnig ako na magsalita, tinatawag ko [na] tulong, tulong, pwede palapit ka dito para may mahawakan lang kasi may bata ako dito,” aniya.

Samantala, sinabi ng pamahalaang lungsod ng Zamboanga na may ilang survivor ang umamin na hindi sila nakarehistro sa ship’s manifesto dahil bumili sila ng tiket mula sa mga scalper at sa loob na mismo ng barko.

Una nang inalis ng Philippine Coast Guard ang overloading bilang sanhi ng paglubog, subalit mas marami na ang bilang ng mga bangkay na narekober kaysa sa bilang ng mga nawawala batay sa manifesto.

“Mayroong mga pasaherong na nagkukwento, inaamin nila na wala sila sa manifesto dahil bumili silang tiket sa loob na ng barko. Mayroon din nag-amin na bumili ng tiket doon sa mga scalpers. Kaya nga, mayroong talaga wala sa manifesto. Mayroong din mga truck o mga ibang sasakyan, di ba? Pero nakalista lang yung driver, hindi nalistahan yung pahinante,” ayon kay Office of the City Mayor of Zamboanga Executive Secretary Celso Lobregat.

Hanggang ngayon, hindi pa rin natatagpuan ang nawawalang barko.

Lumubog ang M/V Trisha Kerstin 3 sa karagatang sakop ng Basilan noong Lunes, kung saan naitala ang 316 na survivor, 18 bangkay na narekober, at 10 kataong nawawala. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here