Home HOME BANNER STORY Inaasahang boxing match nina Torre, Baste dinagsa ng mga manonood

Inaasahang boxing match nina Torre, Baste dinagsa ng mga manonood

249
0

MANILA, Philippines -Dinagsa ng mga manonood ang boxing match ngayong Linggo sa pagitan nina Davao City acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Philippine National Police chief Gen. Nicolas Torre III.

Si Torre ay maagang dumating sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila kung saan marami rin ang kumagat sa anunsyo at nagtungo sa stadium upang manood.

Dahil hindi dumating si Duterte, itinuring na ‘win by default’ ang laban ni Torre laban kay Duterte, matapos hindi dumalo ang alkalde sa “Boxing for a Cause” na nakatakda ngayong Linggo sa Coliseum.

Ang “Boxing for Charity” event, na aabot umano sa 12 round ay layong makalikom ng pondo para sa komunidad na sinalanta ng bagyo sa nagdaang mga bagyo.

Matatandaan na hinamon ni Duterte ng suntukan si Torre na pinalagan naman at sinabing magandang oportunidad ito upang matulungan ang mga biktima ng bagyo.

Pumayag naman si Duterte ngunit may mga kondisyong inilatag sa heneral at ito ay ang isailalim sa hair follicle drug test ang lahat ng kawani ng gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here