Home METRO Ginang patay sa tumumbang puno ng niyog

Ginang patay sa tumumbang puno ng niyog

261
0

MANILA, Philippines – WALA nang buhay nang matagpuan ang isang ginang makaraan na hinihinalang nabagsakan ng puno ng niyog kagabi, Hulyo 27 sa Barangay Puting Kahoy, Calaca, Batangas.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya dakong alas- 6:48 kagabi nang matagpuan ang biktima na kinilala sa alyas Catalina ng kanyang kapatid na lalaki na walang malay at duguan kung saan may mga sugat sa ulo at hita na hinihinalang nabagsakan ng puno ng niyog.

Napag-alaman na sanhi ng pag-ulan dulot ng masamang panahon ang naging dahilan ng paglambot ng lupa kaya tuluyang bumigay ang puno.

Samantalang patuloy naman ang imbestigasyon ng Calaca Municipal Police Station kung mayroon pa umanong responsable sa pagkasawi ng biktima. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here