Home OPINION INAAYAWAN HINDI LANG NG MGA PULIS

INAAYAWAN HINDI LANG NG MGA PULIS

205
0

SINO itong opisyal na may mataas na ranggo sa Philippine National Police na inaayawan umano ng kanyang mga tauhan dahil sa pagiging barubal nito?

Hindi naman dating kilala ang opisyal na ito subalit nang matalaga siya sa Visayas Region ay bilang nagningning ang kanyang pangalan.

Siyempre dahil kilala na, biglang nagkaroon ng ambisyon ang opisyal ng PNP na ito at ngayon ay sobrang sinusugatan ang kanyang mga tuhod at siko upang makagapang patungo sa Malakanyang upang makuha ang tiwala at bilib ni Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang mga ginagawa.

May duda pa nga ang marami na ang ilang naganap na kidnapping sa bansa ay posibleng dawit ang kanyang pangalan. Pero dahil magaling, nasibak ay kanyang mga tauhang sangkot pero ang kanyang pangalan ay hindi man lang nabanggit o nadaanan.

Sa halip, ilang kontrobersyal na pangalan ang pumalit sa kanya na tila walang ka-effort effort pero nagawang linisin ang pangalan.

Kung noong panahong maraming pulis ang iskalawag, may mga pulis na tinatawag na “ninja cops”, ngayon may mga pulis na hantaran ang ginagawang “hulidap” o pamemera sa mamamayan at tila okay lang sa opisyal na ito na inaayawan ng maraming pulis na rin at meron ding media men.

Teka, may mga nakapagbulong din sa inyong Juan de Sabog na itong opisyal na ito ay inaayawan ng kanyang mga kasama sa sekta dahil daw sa husay niyong manabotahe ng pangyayari.

Galit o inis ang kanyang kasama sa sekta dahil kahit daw hindi katalo ay tinalo nito basta maiupo lang ang kanyang mga tao na gumagawa ng himala. Mabuti sana raw kung ang himala ay maliitan lang, pero hindi, talagang manok (milyon) ang usapan.

May pagkakataon na isang grupo ng mga pulis ang winalis mula sa isang operations group dahil kilala sa paggawa ng kalokohan o katarantaduhan ngunit dahil mga tao niya, kanyang ipinakiusap na maibalik sa unit. Ang masaklap, pawang “hold up” o nakaw ang lakad ng mga ito kaya naman ang nagdusa ay ang hepeng kanyang pinakiusapan na makabalik ang mga mahimalang pulis.

Kaya nga, sana ay mawala na ang mga ganitong klaseng pulis na ang ugali ay hindi magiging magandang ehemplo sa kanyang mga tagasunod.

O, kilala nyo na ang opisyal na ito? Ah, ah, your guess is as good as mine.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here