Home NATIONWIDE INC muling nanawagan ng transparency at accountability sa katiwalian sa bansa

INC muling nanawagan ng transparency at accountability sa katiwalian sa bansa

169
0

MANILA, Philippines – Matapos ang tatlong buwan mula nang magsagawa ng Rally for Transparency, Accountability, Justice and Peace ay muling humirit ang Iglesia Ni Cristo sa kawalan ng katiyakan sa mga imbestigasyon kaugnay sa nagaganap na malawakang korapsyon sa bansa.

Sa programang Sa Ganang Mamamayan sa Net 25, sinabi ng Spokesperson ng Iglesia Ni Cristo na si Ka Edwil Zabala na, “ mula ng magsagawa ang INC nang rally for Transparency, Accountability, Justice and Peace , noong November 16-17, 2025 ay patuloy kaming naghihintay kung paano tutugunan ng gobyerno ang malawak na katiwalian na naganap sa ating bansa. Mahigit tatlong buwan na ang lumipas subalit wala pa ring natatanaw ang mamamayan na kalutasan sa napakaling pangungulimbat sa kaban ng bayan.”

Binigyang diin pa ng tagapagsalita na ang nangyayaring ngayon ay kungsino ang nais na tumetigo ay siya pa ang naiimbestigahan at nakakasuhan.

“Sa halip na ang mga salarin ang hanapin at usugin ay ang mga nagbibigay ng impormasyon at tumitestigo laban sa kanila ang kinakasuhan at ginigipit. Kung kaya’t hanggang ngayon ay hindi pa natutunton ang sinasabing mahigit na isang P 1 Trilyon na inilaan sa mga flood control projects at iba pang pagawaing bayan.”

Dagdag pa ni Zabala sa kaniyang binasang pahayag ng Iglesia Ni Cristo, na higit aniyang pinagtutuunan ng pansin sa mga imbestigasyon ay kung paano maaaring magamit ang mga pangyayari ay kung paano maililihis ang usaping ito.

“Sapagkat ang hinahanap ng mga dapat mag-imbestiga ay ang mga pangyayaring maaaring magamamit para mailihis sa iba’t ibang isyu ang problemang ito.”

Pinahapyawan din sa pahayag si Senador Panfilo Lacson, ang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sa mga nauna nitong pahayag na “we will go where the evidence lead us.”

“Hinihintay ng mga pilipino ang sinasabi ng Senate Blue Ribbon Committee chairman na “we will go where the evidence lead us.” Ngayong may mga lumalabas na pahayag mula sa mga sangkot kabilang ang umano’y nagpadala ng male-maletang pera at kamakailan lang ay napatunayan ng mga dating sundalo na umaming sila ang naghatid ng mga ito.”

Kinuwestyon din sa bagong pahayag ng INC ang tila malabong mga pagkilos upang tapusin at pag-igihin ang imbestigasyon kaakibat ng paglutang ng mga dating sundalo na agad namang tinugon ng pamahalaan bilang bahagi diumano ng destablisasyon.

“Bakit tila walang malinaw na hakbang upang palawakin pa at tapusin ang imbestigasyon, anong ebidensya pa kaya ang hinihintay upang seryosohing tuntunin ang mga mastermind sa katiwaliang ito.

May mga pahayag din na ang mga paglitaw ng mga dating sundalo ay bahagi ng destabilization plot. Kung ganoon ang paratang, hindi ba dapat lalo itong imbestigahan sapagkat ang destabilisasyon laban sa gobyerno ay isang seryosong usapin ukol sa pambansang segrudad.”

“Bukod dito, ang malawakang bahagi na inihayag ng mga dating sundalo ay uwiran pa namang may kaugnayan sa naganap na paglimas sa salapi ng bayan.”

Hindi aniya kailanman, malilimutan ng mga Pilipino ang mga palpak at malawak na ghost projects na pinondohan ng gobyerno ngunit wala namang konstruksyon. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here