MANILA, Philippines- Bibisitahin ni United States Indo-Pacific Command (INDOPACOM) Commander Admiral Samuel Paparo ang ilang sites at isa sa EDCA sites para malaman ang tunay na kalagayan ng mga ito.
Sa isinagawang courtesy call ni Paparo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, sinabi ng Pangulo na” “I’m glad that you are able to find time to tour with us in the Philippines.”
Sa naging pagbisita ni Paparo, sinabi ng Pangulo na maraming bagay siyang tatalakayin kay Paparo.
“I’m sure we’ll be seeing more of you—, us going to see you and you going to see us. We have a great deal of—, we have many subjects to discuss for the United States and for the Philippines,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Nilagdaan noong 2014, pinagkalooban ng EDCA ang US troops ng access na mag-designate ng Philippine military facilities, payagan ang mga ito na magtayo ng pasilidad, maglagay ng mga kagamitan, aircraft, at vessels.
Sa kasalukuyan, mayroong siyam na EDCA sites:
Antonio Bautista Air Base sa Palawan
Basa Air Base sa Pampanga
Fort Magsaysay sa Nueva Ecija
Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu
Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro City
Naval Base Camilo Osias sa Sta Ana, Cagayan
Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan
Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela
Balabac Island sa Palawan