Home METRO ALAMIN: Mga kalsadang sarado para sa 2024 Bar exams

ALAMIN: Mga kalsadang sarado para sa 2024 Bar exams

MANILA, Philippines- Sarado ang ilang kalsada sa Maynila sa Setyembre 8, 11, at 15, upang bigyang-daan ang isasagawang 2024 Bar examinations, base sa Manila Public Information Office.

Sa traffic advisory nitong Lunes, sinabi ng opisina na makaaapekto ang road closure at reroutes sa mga sumusunod na lugar sa paligid ng University of Santo Tomas sa Sampaloc:

Setyembre 8 at 11 (Linggo at Miyerkules)

  • Assisted traffic sa kahabaan ng dalawang westbound lanes ng España Boulevard, mula Lacson Avenue hanggang Padre Noval Street, mula alas-2 ng madaling araw hanggang alas-8 ng umaga at alas-3 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi (para sa drop-off at pick-up purposes lamang).

  • Road closure sa Dapitan Street, mula Lacson Avenue hanggang Padre Noval Street, mula alas-2 ng madaling araw hanggang alas-7 ng gabi.

Setyembre 15 (Linggo)

  • Assisted traffic sa kahabaan ng dalawang westbound lanes ng España Boulevard, mula Lacson Avenue hanggang Padre Noval Street, mula alas-2 ng madaling araw hanggang alas-8 ng umaga.

  • Road closure ng lahat ng westbound lanes ng España Boulevard, mula Lacson Avenue hanggang Padre Noval Street, mula alas-3 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

  • Road closure sa Dapitan Street, mula Lacson Avenue hanggang Padre Noval Street, mula alas-2 ng madaling araw hanggang alas-7 ng gabi.

Pinayuhan ng opisina ang publiko na dumaan sa mga alternatibong ruta sa road closure upang hindi maabala.

Nakatakda ang 2024 Bar Examinations, sa pangunguna ni Associate Justice Mario Lopez, sa Setyembre 8, 11, ar 15 sa iba’t ibang testing centers sa buong bansa. RNT/SA