MANILA, Philippines- Sumampa sa 2.3% ang inflation rate para sa buwan ng Oktubre.
Sinabi ni National Statistician at Philippine Statistics Authority (PSA) chief Undersecretary Claire Dennis Mapa na ang inflation — sukatan ng rate ng pagtaas sa presyo ng goods at services—ay bumilis noong nakaraang buwan.
Ito’y umakyat mula sa 1.9% rate noong Setyembre.
Ayon sa PSA, ang uptrend sa overall inflation noong nakaraang buwan ay ‘primarily influenced’ ng mas mabilis para sa annual increment sa heavily-weighted food at non-alcoholic beverages na umabot sa 2.9% sa panahon ng naturang buwan mula 1.4% sa September 2024.
Idagdag pa rito, ang paghahatid na may mas mabagal na year-on-year decrease na 2.1% sa panahon ng naturang buwan mula 2.4% annual drop noong September 2024 ay nag-contribute sa pagtaas ng inflation rate.
Ang top three commodity groups na nag-contribute sa October 2024 overall inflation ay ang mga sumusunod: Food and non-alcoholic beverages na may 46.9% share o 1.1 percentage point; Housing, water, electricity, gas at iba pang fuels na may 22.0% share o 0.5 percentage point; at Restaurants at accommodation services na may 16.1% share o 0.4 percentage point.
Winika pa ng PSA na ang acceleration ng food inflation ay dulot ng mas mabilis na inflation rate ng bigas na 9.6% noong October 2024 mula 5.7% sa nakalipas na buwan.
Sinundan ito ng gulay, tubers, plantains, cooking bananas at pulses na may matagal na year-on-year decline na 9.2% sa nabanggit na panahon mula 15.8% annual decrease noong September 2024.
Bukod dito, ang index ng mais ay nakapag-ambag din sa uptrend, nakapagtala ito ng mas mabilis na annual increase na 9.7% sa nasabing buwan mula 6.9% noong September 2024.
Sa kabilang dako, sinabi ng PSA na ang mga sumusunod na commodity groups na nakapagrehistro ng mas mababang inflation rates sa nasabing buwan ay ang:
Alcoholic beverages at tobacco, 3.0% mula 3.1%
Clothing at footwear, 2.7% mula 2.9%
Housing, water, electricity, gas at iba pang fuels, 2.4% mula 3.3%
Furnishings, household equipment at routine household maintenance, 2.4% mula 2.6%
Information and communication, 0.2% mula 0.4%
Recreation, sport and culture, 2.6% mula 2.8%
Restaurants at accommodation services, 3.9% mula 4.1%
Personal care, at miscellaneous goods and services, 2.8% mula 2.9%.