Home HOME BANNER STORY Inflation sumadsad sa 2.8% noong Enero

Inflation sumadsad sa 2.8% noong Enero

MANILA, Philippines- Bumulusok ang inflation rate ng bansa to sa pinakamababa nitong lebel sa loob ng halos apat na taon, sa 2.8 porsyento nitong Enero.

Iniulat ng Philippine Statistics Authority na hindi lamang bumagal ang consumer prices mula 3.9 porsyento noong Disyembre subalit malaki rin ang ibinaba mula sa 8.7 porsyento sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Ang inflation rate nitong Enero ang pinakamababang lebel mula noong October 2020, nang makapagtala ito ng 2.3 porsyento sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ngayong 2024, target ng pamahalaan ang inflation rate na 2.0 hanggang 4.0 porsyento, kasunod ng 6.0 porsyentong naitala para sa buong 2023. RNT/SA