
AYON kay Health Secretary Teodoro J. Herbosa, hindi na kailangang magpresenta ng purchase booklet ang mga senior citizen upang makakuha ng diskwento sa mga gamot.
Inalis na ang requirement na magpakita ng purchase booklet sa mga botika para sa diskwento, na dati-rati ay kailangang may kasamang valid ID at reseta ng doktor, base sa inilabas ng Department of Health (DOH) Administrative Order No. 2024-0017.
Nais matiyak ng Food and Drug Administration (FDA) na ang mga senior citizen ang makikinabang sa bagong patakarang inilabas ng Department of Health (DOH) na hindi na kakailanganin pa ang purchasing booklet para sa 20 porsyentong diskuwento sa mga gamot, kaya nakatakdang ang ahensya magsagawa ang ng isang information campaign.
May mga botika naghahanap ng medicines purchasing booklet kaya may mga senior citizen napipilitan ng gamot na walang diskwento dahil kailangan na kailangang na nila at nakakapagod sa paglakad o mag-commute papunta sa botika.
Isang task force ang binuo ni FDA Director General Samuel Zacate upang simulan at ipatupad ang kampanya sa lalong madaling panahon.
Natuklasan kasi ng ahensya na marami pang nakatatanda at mga botika ang hindi alam ang ukol sa bagong patakarang inilabas ng DOH noong nakaraang taon.
Inatasan niya umano ang task force na maghanap ng mga paraan upang matiyak na makikinabang ang mga nakatatanda sa pribilehiyong ito, lalo na’t karamihan sa kanila ay nagpapautos lamang ng ibang tao upang bumili ng kanilang gamot, habang sinisigurado rin na hindi maaabuso ang mga botika.
Kasabay nito, ibinalita rin ni DG Zacate na may mga hakbang din ang FDA upang maabot ang zero backlog sa pagproseso ng iba’t ibang aplikasyon na inihahain sa ahensya sa pamamagitan ng “Operation Backlog Watch” upang makamit ang layuning ito.
Noong nakaraang taon, pinalawig ng FDA ang bisa ng mga lisensya ng mga produktong pangkalusugan bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na gawing mas mabilis ang proseso at matugunan ang backlog.