Home NATIONWIDE Investment sa Clark sumirit ng P44B sa 2024 Q1

Investment sa Clark sumirit ng P44B sa 2024 Q1

MANILA, Philippines  – LUMAMPAS ang investment target sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Pampanga para sa first quarter ng taong kasalukuyan, ayon sa Clark Development Corp. (CDC).

Sa kamakailan lamang na pulong kasama sina Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go, Agnes Devanadera, CDC president at chief executive officer, nakapagtala ang Clark Freeport ng P44.5 billion sa investments mula Enero hanggang Marso.

Kabilang dito ang pagpapaupa o pagrenta sa energy, tourism, semiconductors, electronics, pharmaceuticals, medical devices, green minerals, food at agriculture, at bakal.

“This achievement is attributed to the dynamic investment climate in Clark under the well-defined vision and direction of President Ferdinand Marcos Jr.’s administration,” ayon kay Devanadera.

Sa mga nasabing investment opportunities, tinatayang 5,833 empleyado ang inaasahan na magkakatrabaho sa economic zone.

Para palakasin ang epekto sa turismo, sinabi ng CDC na ang tourism at leisure estates Donggwang Clark Corp. ay maglalagay ng karagdagang P20 billion, habang ang BB International Leisure and Resort Development Corp. ay nagpahayag na maglalagay ng P15 billion.

Mag-iinvest din ang DeviceDesign Philippines Corp. ng P103 million para palawakin ang electronics manufacturing nito habang ang Yokohama Tire Philippines, Inc. ay magdaragdag ng P3.5 billion para i-upgrade ang manufacturing at daily output capacity.

Pagdating naman sa economic utilities ng Clark, naglaan ang Water Corp. ng P5.56 billion para palakasin ang serbisyo nito.

Ang Philippine Exporter Foundation Region III Inc. ay mayroong P30.6 million para sa konstruksyon ng lifestyle showroom at pasalubong center.

Ang iba pang kompanya na makapag-aambag ng iba’t ibang business landscape para sa Clark ay ang Habibia Corp. , mayroong P22 million investment; JBW Floor Center Inc., mayroong P5.8 million; Otonari Food OPC, mayroong P40 million; at ang Nationstar Development Corp. ay maglalagay naman ng P126.95 million.

“Development projects, including President Marcos Jr.’s legacy projects such as the Clark Multi-Specialty Medical Center [CMSMC] and the National Museum of the Philippines for North and Central Luzon, are currently in progress within the Freeport,” ayon sa CDC report.

Ang transportation developments ay tutulong din habang malapit nang matapos ang konstruksyon ng North-South Commuter Railway.

Sa oras na maging operational, ang railway ay kokonekta sa Clark Freeport sa iba pang business districts. Kris Jose

Previous articleConsumer group nababahala sa $3.3B LNG deal sa Pinas
Next articleWorld no. 5 giniba ni Alex Eala sa Miami Open qualifiers