Manila, Philippines – Confirmed: tatakbong senador si Philip Salvador sa 2025 mid-term elections.
Ito ang mismong inanunsyo ng action star sa naganap na convergence meeting sa Nustar Hotel & Casino nitong April 19, Biyernes.
Tatakbo si Ipe (palayaw ni Philip) sa ilalim ng partido ng Demokratikong Pilipino o PDP.
Ito rin ang partidong pinagmulan ng mga incumbent senators na sina Christopher “Bong” Go, Ronald “Bato” dela Rosa at Francis Tolentino.
Naging exposed si Philip sa nakaraang kampanya ni Go.
Hindi pa man opisyal na nagsisimula ang campaign period para sa mga tatakbo sa pambansang puwesto ay may catchy hashtag na si Philip, ang #Mr. Ipektibo.
Sa naturang convergence meeting sa Cebu, sinabi ng aktor na buong puso niyang tinatanggap ang nominasyon ng PDP bilang kandidato nito.
Sa PDP rin nanggaling ang noo’y Pangulong Rodrigo Duterte.
Malinaw sa naging talumpati ni Philip kung paano niya ipinakilala ang kanyang sarili.
Before a huge crowd, aniya: “Ako po si Philip Salvador. Hindi po ako isang abogado. Hindi po ako isang doktor. Hindi po ako isang engineer…kundi isang artista mula sa PDP na handang tumulong sa aking mga kapwa Pilipino!”
Kung papalarin, makakasama ni lpe ang kanyang real-life showbiz friends na sina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla Jr.
Kilala ring malapit si Ipe kay Senator Robin Padilla who topped the senatorial elections in 2022.
Hindi siyempre maiiwasang salagin ni Ipe kahit ang mga personal na isyung posibleng ibato sa kanya sa oras na gumulong na ang campaign period.
Isa na rito ay ang pagiging ama ni Joshua, anak niya kay Kris Aquino.
Ayon sa mga netizens, unahin daw muna ni Ipe ang tungkulin nito bilang ama sa anak na tila napabayaan na niya hanggang sa lumaki’t nagkaisip.
Ang absence daw ni Philip sa buhay ni Joshua ay malaking epekto sa kanyang senatorial bid.
Ikinumpara pa si Philip kay Batangas Vice Governor Marc Leviste, nobyo ni Kris, na malapit kay Joshua kahit hindi niya ito kaanu-ano.
Handa na ba si Ipe na suungin ang mga intrigang ikukulapol sa kanya?
And how does he intend to address them? Ronnie Carrasco III