
MANILA, Philippines – SUGATAN ang apat na PDEA intelligence officers at patay ang suspek na nakipagbarilan sa buy bust operation sa Goodwill 3 village, Bgy. San Antonio, Parañaque City nitong gabi ng Miyerkules, Abril 9.
Dakong 5:30 hapon ng Abril 9, 2024 sa #506 A, Aster Street, Goodwill 3 village, Brgy San Antonio, Parañaque City nang ikasa ng Operating Unit na PDEA NCR ang buy bust operation na nagresulta sa armed encounter.
Kinilala ang napatay sa enkwentro na target ng buy bust na isang alyas Sadam na umano ay taga-Datu Odin Sinsuat sa Mindanao.