Home NATIONWIDE Israel at US team, umatras sa Gaza truce talks

Israel at US team, umatras sa Gaza truce talks

215
0

GAZA – Binawi ng Israel at Estados Unidos ang kanilang delegasyon mula sa Gaza ceasefire talks matapos akusahan ni U.S. envoy Steve Witkoff ang Hamas na “hindi tapat sa usapan.”

Ayon kay Witkoff, maghahanap na ang U.S. ng “alternatibong paraan” para mapalaya ang mga bihag at magkaroon ng mas matatag na sitwasyon sa Gaza.

Tinanggihan ng Hamas ang paratang at iginiit na determinado itong ipagpatuloy ang negosasyon para sa permanenteng tigil-putukan.

Patuloy ang presyon sa magkabilang panig habang lumalala ang krisis sa Gaza, kung saan halos 60,000 Palestino na ang namatay sa halos dalawang taong digmaan.

Dalawa pang pasyente ang namatay dahil sa malnutrisyon ngayong linggo, ayon sa health ministry.

Tinawag ni British Prime Minister Keir Starmer ang sitwasyon na isang “hindi masukat at hindi maipagtatanggol” na krisis at nanawagan sa Israel na magbukas para sa mas maraming ayuda.

Nagbabala ang Hostages Families Forum na nalalagay sa panganib ang mga bihag dahil sa pagkaantala ng kasunduan. Nauna nang nagkaroon ng pag-asa na magkakaroon ng progreso, ngunit nananatiling malaki ang agwat sa usapin ng pag-atras ng tropang Israeli sa panahon ng tigil-putukan.

Samantala, nagkagulo sa distribusyon ng ayuda matapos ireklamo ng mga babae na sinabuyan sila ng pepper spray at tinirgasan ng mga U.S.-backed contractor habang kumukuha ng relief goods. Inamin ng Gaza Humanitarian Foundation ang paggamit ng “limitadong pepper spray” para maiwasan ang aksidente, ngunit itinanggi ang paglabag sa patakaran.

Ayon sa UN, hindi ligtas ang ganitong modelo ng distribusyon at iniulat nitong may 875 namatay malapit sa aid sites nitong nakaraang anim na linggo, karamihan dahil sa putok ng Israeli forces.

Nagsimula ang digmaan noong Oktubre 7 nang umatake ang Hamas sa Israel na ikinasawi ng humigit-kumulang 1,200 tao at pagkabihag ng 251 katao, ayon sa Israeli data. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here