Home SPORTS Torre vs Duterte boxing match aprub sa GAB

Torre vs Duterte boxing match aprub sa GAB

226
0

NAGLABAS ng resolusyon ang Games and Amusement Board (GAB) ngayong araw, Hulyo 25, sumusuporta sa isinusulong na boxing match sa pagitan nina PNP Chief Gen. Nicolas Torre III at Acting Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Batay sa resolusyon, tiniyak ng GAB na handa ang kanilang mga medical personnel—na binubuo ng lisensyadong mga doktor at paramedics—na magbigay ng agarang medical attention sakaling may masaktan o maaksidente sa laban.

Sa parehong dokumento, ipinahayag ng GAB ang kanilang kahandaan na, sakaling hirit ng mga kalahok, na magrekomenda ng isang qualified at accredited referee upang opisyal na mamuno sa nasabing laban at magpadala ng mga medical personnel upang maging standby at rumesponde kung kinakailangan.

Dagdag pa rito, ipinag-utos din ng kawanihan na padalhan ng kopya ng resolusyon ang mga tanggapan nina PNP Chief Torre at Mayor Duterte para sa kanilang kabatiran.JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here