Home NATIONWIDE ITCZ iiral sa Mindanao

ITCZ iiral sa Mindanao

MANILA, Philippines- Makararanas ang Mindanao ng maulap na kalangitan at maulang panahon sa susunod na 24 oras dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ), base sa PAGASA nitong Sabado ng umaga.

Partikular na magiging maulan sa Davao Region, Zamboanga Peninsula, Sarangani, at Surigao del Sur, habang nakaamba sa Mindanao ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms.”

Iiral naman ang shear line sa Batanes at Babuyan Islands, habang makaaapekto ang easterlies sa natitirang bahagi ng bansa.

Magiging moderate to strong ang hangin sa Northern Luzon, na sasabayan ng moderate to rough coastal waters.

Inaasahan naman ang light to moderate winds at slight to moderate coastal waters sa natitirang bahagi ng bansa. RNT/SA