Home NATIONWIDE ITCZ magpapaulan sa VisMin

ITCZ magpapaulan sa VisMin

MANILA, Philippines – Inaasahang magpapaulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ayon sa PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang ITCZ sa Eastern Visayas, Caraga, Davao Region, Northern Mindanao, at Zamboanga Peninsula.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies. RNT/JGC