Home SPORTS JD Cagulangan, Carl Tamayo bumida sa KBL

JD Cagulangan, Carl Tamayo bumida sa KBL

KINILALA ang galing nina JD Cagulangan at Carl Tamayo matapos ang kanilang mga kahanga-hangang performance sa regular season ng 2024-25 Korean Basketball League (KBL).

Si Cagulangan, dating point guard ng University of the Philippines, ay itinanghal na KBL Rookie of the Year, habang si Tamayo naman ay napabilang sa prestihiyosong Mythical 5 ng liga.

Matapos tulungan ang UP Fighting Maroons na makamit ang kampeonato sa UAAP Season 87, agad na gumawa ng ingay si Cagulangan sa KBL sa kanyang rookie year.

Nagrehistro siya ng 7.3 puntos, 4.3 assist, 2.4 rebound, at 1.5 steals para sa playoff-bound na KT Sonic Boom.

Samantala, si Tamayo ay patuloy na naging dominante para sa Changwon LG Sakers matapos magtala ng 15.1 puntos kada laro, habang may 31% shooting mula sa three-point line, kasama pa ang 5.8 rebounds at 2.2 assists. Tulad ng Sonic Boom, pasok din sa playoffs ang kanyang koponan.GP