Home SPORTS Gilas Pilipinas todo paghahanda sa FIBA Asia Cup – Cone

Gilas Pilipinas todo paghahanda sa FIBA Asia Cup – Cone

Kumpiyansa at sabik si Gilas Pilipinas coach Tim Cone sa muling pagsabak ng Gilas Pilipinas para sa 2025 FIBA Asia Cup.

Ayon kay Cone, handang-handana ang  koponan lalo na at kasama nila sa Group D ang mga pamilyar na koponan na kanilang nakaharap noon pa.

Matatandang nalagay sa groud D ang Gilas kasama ang  New Zealand, Chinese Taipei at Iraq.

Sa last window ng FIBA Asia Cup noong nakaraang Pebrero ay kapwa tinalo ng Gilas ang New Zealand at Taipei.

Maninibago lang ang Gilas sa Irag na matagal na nilang hindi  nakakaharap na ang huling pagkakaharap nila ay noon pang 2017 ng talunin nila ang mga ito pero sa ibang mga lineups o manlalaro.

Ayon kay Cone, sa mga susunod  na linggo ay maaring ilabas na niya anginisyal na mga lineups na kaniyang isasabak sa FIBA Asia Cup na magsisimula sa buwan ng Agosto.