Home ENTERTAINMENT Jen, inaming nabuwisit kay Dennis sa wedding day!

Jen, inaming nabuwisit kay Dennis sa wedding day!

274
0

Manila, Philippines – One is not supposed to be forgetful of the one most important thing on his wedding day, is he?

Ito ang karanasang ibinahagi mismo ni Jennylyn Mercado sa sabay na guesting nila kamakailan sa Fast Talk with Boy Abunda ng asawang si Dennis Trillo.

Kuwento ng Kapuso actress, araw daw ng kanilang kasal ang nakakatawang insidenteng ‘yon.

Kung hindi pa raw kasi hining ng pari ang singsing na ipasusuot ni Dennis sa kanyang bride ay hindi pa nila matutuklasang nakalimutan pala ‘yon ng aktor sa kanilang bahay.

That time ay buntis na si Jennylyn sa kanilang anak na si Baby Dylan.

Aminado ang aktres na buwisit na buwisit siya that time kay Dennis.

‘Yun ay lalo pa’t nasa kagampan siya.

Jen’s instructions were for Dennis to get the ring from her bag.

Nagkataong dalawang box ang nakita ni Dennis sa bag nito.

Nagkataong ang nadampot ni Dennis ay ‘yung box na walang laman, at ‘yun ang nadala niya.

Mabuti raw at five minutes away lang ang layo ng kanilang bahay sa Quezon City mula sa pinagkasalan nila.

Kinumpronta tuloy ni Jen si Dennis: “Paano kung ang kasal natin, eh, sa Tagaytay?”

Despite the hassle, matiwasay na nairaos ng couple ang kanilang kasal.

Pero habambuhay nang nakatatak sa isipan ni Jennylyn ang “kapalpakang” ‘yon ng asawa.

May 2022 when the couple welcomed rheir child they named Dylan. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here