Home ENTERTAINMENT Jessy, bet nang sundan si Baby Rosie!

Jessy, bet nang sundan si Baby Rosie!

Manila, Philippines – Tila may himig ng “pagsisisi” si Jessy Mendiola na medyo late na dumating si Baby Peanut sa buhay nila ng asawang si Luis Manzano.

Si Jessy na rin daw ang nagsasabi sa kanyang mister that had they started earlier, ‘di sana’y lima na ngayon ang kanilang supling.

Kung si Jessy raw kasi ang masusunod ay gusto niyang sunod-sunod ang kanilang mga anak.

Luis shares the same feeling din daw.

Kaya naman all set na ang mag-asawa na sundan na si Isabelle Rose.

Hindi na rin daw nagwo-worry si Jessy kung “losyang” ang maging tingin sa kanya ng tao.

That was what she was anxious about during her first pregnancy.

May mga times daw kasi na sabug-sabog ang buhok niya at walang ka-makeup-makeup.

But gone are those days now.

May mga ibinahagi pa ngang tips si Jessy para sa mga kapwa niya nanay.

Mood changer daw kasi ang mga inang tulad niya.

Once happy raw ang nanay, nagre-reflect daw ‘yon sa buong tahanan.

Mothers should not restrict themselves daw lalo na pagdating sa pagpapaganda.

“Mag-hanging shirt kayo, wear anything that you think can make you feel sexy or good about yourself! If you think du’n ka magiging masaya, by all means do it!” tip pa ni Jessy.

On wanting to have Baby Peanut’s little brother or sister: “It’s not very soon…pero soon!”

Lampas one year old na si Baby Peanut sa ngayon. Ronnie Carrasco III

Previous article28 pang OFW galing Israel balik-Pinas na
Next articleMarcos sa vin d’honneur: Pinas nakabangon na mula sa COVID-19 pandemic