Home ENTERTAINMENT Jessy, sinabihang fake ang Chanel bag, pumatol sa basher!

Jessy, sinabihang fake ang Chanel bag, pumatol sa basher!

Manila, Philippines- Nag-rub off na nga ba kay Jessy Mendiola ang ugali ng asawang si Luis Manzano pagdating sa pagpatol sa kanyang mga bashers/haters?

Hati ang opinyon ng mga netizens tungkol sa “violent reaction” ni Jessy nang may pumuna sa kanyang luxury bag.

Pinagdudahan kasing fake ang Chanel bag ni Jessy.

Sey ng isang netizen: “Looks fake to me. Bought it in HK?”

Hindi naman ‘yon pinalampas ni Jessy who retaliated: “It was authenticated by a sales associate in Chanel’s system. No need to spread hate and negativity!”

Jessy’s response sparked contrasting reactions from the netizens.

In fairness, valid naman ang mga magkakasalungat na reaksyon nila.

Hirit ng isang obvious Jessy fan, walang masama sa ginawang panonopla nito.

Dapat lang daw ipamukha ni Jessy ‘yon sa mga feeling authenticators na nagdudunung-dunungang malawak ang kaalaman sa mga authentic at genuine branded bags.

Hirit naman ng ‘di pabor sa pagsagot ni Jessy, huwag na raw “patola” ito sa bawat sasabihin na lang ng mga netizen sa social media.

Kung alam naman daw ni Jessy sa kanyang sarili na hindi fake ang nabili niyang item ay manahimik na lang siya.

Weighing both sides, natural lang na ma-agitate si Jessy lalo’t mahal nga naman ang pagkakabili niya ng Chanel bag na ‘yon, na pagdududahang fake lang pala?!

Besides, can Jessy afford to buy fake signature items samantalang isang Luis Manzano ang napangasawa niya?

No way! Ronnie Carrasco III