Home ENTERTAINMENT Jimmy, nagtitinda ng street food, may pakiusap!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Jimmy, nagtitinda ng street food, may pakiusap!June 5, 2025 14:273090 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Hindi porke wala na sa showbiz ay sitting pretty na lang.Hindi ito ang uring pamumuhay na gusto ng dating Eat Bulaga host na si Jimmy Santos.Tinalikuran man niya ang showbiz, it doesn’t mean that life had to stop.Productive pa rin siya.Sa katunayan, ibinida ng dating Dabarkads sa kanyang latest YouTube episode ang kanyang bagong raket.Ito’y ang pagtitinda ng sari-saring street food sa isang lugar sa Nueva Ecija.Dahil dito’y lalong pinahanga ni Jimmy ang mga netizens sa kanyang panuntunan sa buhay.Aniya, mahirap ngunit marangal ang pinasok niyang trabaho kung saan kakailanganin nito ang sipag, tiyaga at pasensya.Inilahad ng dating komedyante ang hirap sa paggising nang maaga araw-araw para ihanda ang kanyang paninda.‘Yun daw ang karaniwang buhay ng isang masikap at masigasig na Pilipino.May pakiusap nga lang si Jimmy sa mga customer–ang sila’y maging honest.May mga kostumer daw kasi na lantak nang lantak ng kinakain, na kung hindi nagbabayad nang husto’y bigla na lang daw tatakas.Ani Jimmy: “Maawa naman kayo sa taong naghahanapbuhay nang parehas.”Kung matatandaan, taong 2023 nang i-vlog ni Jimmy ang kanyang pangangalakal sa Canada. Ronnie Carrasco III