Home NATIONWIDE KOJC administrator Duenas sinintensyahan ng US court

KOJC administrator Duenas sinintensyahan ng US court

199
0

NEW YORK- Isa pang administrator ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang sinintensyahan ng korte sa Los Angeles.

Ipinag-utos ni Judge Terry Hatter Jr. ng United States District Court, Central District of California, ang agarang commitment ni KOJC administrator Marissa Duenas sa Bureau of Prisons.

Nauna nang naghain si Duenas ng guilty plea sa Count 7 ng superseding indictment, kung saan sangkot ang visa fraud at sham marriages. Nakipagkasundo siya sa US Attorney’s Office kapalit ng mas maiksing senstensya.

Base sa court records, nakapagsilbi na si Duenas ng prison na ipinataw ng korte at sa halip ay isasailalim sa dalawang taong supervised release.

Sa ilalim ng supervised release, dapat sumunod ni Duenas sa lahat ng court-imposed conditions. Mahigpit siyang pinagbabawalan na gumawa ng anumang krimen o lumabag sa anumang local, state, o federal laws.

Si Duenas ay nagsilbing human resources leader ng KOJC sa United States. Responsable siya sa pagkolekta at pagkuha ng mga pasaporte at immigration-related documents ng KOJC workers upang hindi nila ma-access ang kanilang records. Pinangasiwaan din niya ang pagproseso ng pekeng immigration documents, kabilang ang sham marriages at student visas, upang patuloy na makapag-solicit ng donasyon para sa KOJC ang mga manggagawa sa US.

Iginawad din ng korte ang mosyon ng US Attorney’s Office na ibasura ang natitirang mga kaso laban kay Duenas, batay sa plea agreement sa pagitan ng dalawang partido. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here