Home NATIONWIDE Jinggoy binawi mosyon para makadalo sa impeachment trial ni VP Duterte

Jinggoy binawi mosyon para makadalo sa impeachment trial ni VP Duterte

1
0

MANILA, Philippines – Binawi ng nakakulong na si Senator Jinggoy Estrada ang kaniyang mosyon sa Sandiganbayan Second Division na humihiling ng pahintulot na makadalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Procedural ang naging dahilan ng withdrawal matapos ipabatid ng kampo ni Estrada sa Second Division na ang mosyon ay dapat na ihain sa Sandiganbayan Fifth Division, na humahawak sa kaniyang plunder case.

Sa resolusyong may petsang Hulyo 1, sinabi ng anti-graft court na binawi ng kampo ni Estrada ang “Motion to Allow Accused Senator Jinggoy Ejercito Estrada to Attend the Senate Impeachment Trial [of] Vice President Sara Duterte-Carpio,” na inihain noong Hunyo 30.

“Finding the withdrawal to be in order, the motion to allow his attendance in the impeachment trial is hereby deemed WITHDRAWN,” nakasaad sa one-page resolution.

Una nang iniulat ng ilang media outlet ang dokumento nitong Huwebes, at kalaunan ay kinumpirma ng clerk of court ng Second Division ang pagiging authentic nito.

Ang plunder case ni Estrada ay nag-ugat sa umano’y “intricate mechanism involving illegal budgetary insertions and project allocations” sa ilalim ng Department of Public Works and Highways infrastructure portfolio para sa fiscal year 2025 na nagkakahalaga ng P573 milyon, ayon sa state prosecutors.

Paulit-ulit namang itinanggi ng senador ang mga akusasyon laban sa kaniya.

Ang Sandiganbayan Second Division ang humahawak sa bailable graft case ni Estrada, kung saan nakapagpiyansa na siya ng P90,000.

Si Estrada, na itinuturing na bahagi ng pro-Duterte bloc sa Senado, ay kabilang sana sa mga senator-judges na magdedesisyon kung iko-convict o ia-acquit ang Pangalawang Pangulo.

Kapag na-convict, matatanggal sa puwesto si Duterte at hindi na papayagang humawak ng anumang public post. Una na niyang inanunsyo ang planong tumakbo bilang pangulo sa 2028. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here