MANILA, Philippines – Inihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na plano niyang bumalik sa kanyang lalawigan na Cavite at tumakbo sa lokal na posisyon sa 2028 elections.
Nauna nang napag-usapan na maaari siyang tumakbo sa isang pambansang posisyon, pero sinabi niya na binago niya ang kanyang direksyon sa politika.
Sa Kapihan ng Samahang Plaridel noong Biyernes, sinabi ni Remulla na nais niyang ituon ang kanyang serbisyo publiko sa tamang dahilan at hindi sa personal na ambisyon.
“Kasama sa buhay natin ‘yan na the virtue of ambition serves a purpose. You aim higher than you really can. But I didn’t want that virtue to become a vice na ‘yun na lang ang hinahabol ko. I want to do my job for the right reasons,” aniya.
Aminado rin siya na may “perception gap” pa sa kanya ang publiko, ngunit handa niya itong tanggapin bilang bahagi ng pamumuno.
“May iba ang pagkakaintindi sa akin, iba appreciation na sa akin… and maybe there are other people that are, they think are more ready for the job,” dagdag niya.
Sa ngayon, sinabi niyang nakatuon siya sa planong bumalik sa Cavite, pero maaari pa itong magbago depende sa mga pangyayari.
“Everything is fluid, but as of now, my heart is set on going back to Cavite talaga… I miss home,” ani Remulla. RNT/MND