Home SPORTS Jordan Clarkson papunta na ng Manila, lalahok sa Gilas

Jordan Clarkson papunta na ng Manila, lalahok sa Gilas

MANILA, Philippines – Papunta na ngayon si Jordan Clarkson sa Manila upang para opisyal na sumali sa Gilas Pilipinas sa Fiba Basketball World Cup.

Sa isang eksklusibong larawan ng LA-based photojournalist na si Jhay Otamias, nakita si Clarkson sa Los Angeles International Airport para sa kanyang 13-oras na flight papuntang Manila.

Inaasahang darating sa bansa si Clarkson sa Martes gaya ng ipinangako niya sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at sa pamunuan ng Gilas Pilipinas.RICO NAVARRO

Previous articleKanseladong flights ngayong Lunes, Agosto 7 sa masamang panahon
Next articlePANOORIN: PCG naglabas ng video sa water cannon incident ng China sa WPS