Home ENTERTAINMENT Josh at Bimby, pinabalik ni Kris sa US!

Josh at Bimby, pinabalik ni Kris sa US!

Los Angeles, USA – Mas higit daw na na-realize ni Kris Aquino na tinutupad ng kanyang nasirang Kuya Noynoy ang pangako nito na aalagaan siya pati na rin ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby.

Kuwento ni Kris, hindi raw matapus-tapos ang pag-e-edit niya ng mga throwback photos nila bilang paggunita sa ikalawa nitong death anniversary.

Napapaluha raw kasi si Kris thinking that indeed, her kuya is keeping his deathbed promise to take care of his bunso, referring to herself.

Damay siyempre ang kanyang mga anak who Noynoy is watching over.

Speaking of Kris’ kids, kinailangan daw niyang pabalikin ang mga ito sa Los Angeles, USA.

Malungkot na ibinahagi ng Queen of All Media ang kanyang kundisyon ngayon.

With her swollen right knee ay hirap daw siyang lumakad.

Dahil dito’y practically bedridden siya.

Kris attributes it to her chemotherapy.

Matatandaang naunang umuwi si Joshua sa Pilipinas.

At halos kailan lang, it was Bimby’s turn to come home sa kagustuhan na rin ni Kris na maranasan ng bunsong anak what it’s like to be a normal 16-year-old.

Agad namang tumalima si Bimby kahit pa sa December ang takdang schedule niya to return to the US.

Mas nag-alangan nga raw si Kris kay Joshua kung okey dito na bumiyahe pabalik ng Amerika.

Ikinatuwa naman ni Kris ang willingness ng kanyang eldest son to fly back to LA.

Ang nakakabilib kay Kris, sa kabila ng kanyang pinagdadaanan: “Laban lang!”

From all her friends and supporters back home, nawa’y bumuti na ang kalagayan ni Kris! Ronnie Carrasco III