Home ENTERTAINMENT JoshLia reunion movie, posibleng mag-flop!

JoshLia reunion movie, posibleng mag-flop!

Manila, Philippines- There seems to be a lot of catching up to do, matiyak lang na kakagatin ng mga manonood ang pelikulang Unhappy For You.

Ang nasabing pelikula ay ang reunion movie ng real life ex-couple na sina Julia Barretto at Joshua Garcia or collectively known as JoshLia.

Kung tutuusi’y matagal pa naman ang theatrical showing ng nasabing handog ng Star Cinema.

August 14 pa, barely two months from now.

Pero tila maging ang Star Cinema’y disappointed sa number of likes ng inilabas nilang teaser at behind the scenes sa Instagram.

Umabot lang kasi ito nang 102 likes.

Maging ang inilabas na test look footage ng nasabing film company noon pang mid-April yielded relatively low likes.

Tinatayang 86,000 lang.

Kahit ang ilang larawan sa IG kung saan makikitang nagyayakapan sina Julia at Joshua ay hindi man lang maaninag ang bilang ng mga likes dahil natatabunan ng mga puso.

Unlike most reunion movies ay ‘di kagandahan ang senyales na ipinakikita ng JoshLia film.

Parang prophetic ang pamagat nito patungkol sa posibleng kahinatnan nito sa takilya.

Spell “S” as in Semplang! Ronnie Carrasco III