Home ENTERTAINMENT Jowa ni Mommy D, may ipinangako!

Jowa ni Mommy D, may ipinangako!

Manila, Philippines – Seventy five years old na si Mommy Dionisia, ang butihing ina ni Manny Pacquiao.

She turned a year older nitong May 15.

Sa General Santos City idinaos ang pagdiriwang ng kaarawan ni Mommy Dionisia.

In a very rare occasion, bukod sa kanyang mga anak sa pangunguna ni Pacman kasama ang kabiyak na si Jinkee’t mga kaibigan, napagsama rin ang dating asawa ni Mommy D na si Rosalio at ang kanyang nobyo of more than 10 years, si Mike Yamson.

Mahigit 20 taon ang agwat ng edad nina Mommy D at Mike pero hindi ‘yon naging hadlang sa kanilang pagmamahalan.

Mike’s presence at the gathering was proof na tanggap siya ng mga mahal sa buhay ni Mommy D.

Mangiyak-ngiyak ngang binitiwan ni Mike ang kanyang pangako sa nobya.

Una’y nagpasalamat siya sa mga taong patuloy na sumusuporta sa relasyon nila ni Mommy D.

Ito’y sa kabila ng pagkontra ng maraming tao sa kanilang relasyon.

Nangako rin si Mike sa kanyang nobya na kung tawagin niya’y “honey” na: “Hindi kita iiwan kahit kailan.”

Larawan naman ng ‘di maipaliwanag na kaligayahan ang birthday girl.

Sa showbiz, naglipana rin ang mga relasyon kung saan mas may edad ang babae kesa sa lalaki.

Ilan lang dito’y sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Ai Ai de las Alas at Gerald Sibayan, among others.

Despite their age difference ay matatag ang kanilang buhay bilang mag-asawa. Ronnie Carrasco III