MANILA, Philippines – IDINEKLARA ng Malakanyang ang Hulyo 1, 2026 bilang local holiday sa anim na lugar sa Visayas at Mindanao para ipagdiwang ang founding at charter anniversaries ng mga ito.
Sa katunayan, nilagdaan ang mga proklamasyon noong Hunyo 10 ni Executive Secretary Ralph Recto na may pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at inilathala sa Official Gazette website.
“It is but fitting and proper that the people… be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration,” ang mababasa sa mga issuances.
Ang special non-working days para sa araw ng Miyerkules, Hulyo 1, 2026 ay ang:
Proclamation 1312, idineklara ang Hulyo 1 bilang special non-working day sa Maramag, Bukidnon para sa 70th founding anniversary nito,
Proclamation 1313, idinelara ang Hulyo 1 bilang special non-working day sa San Carlos City, Negros Occidental para sa charter anniversary nito,
Proclamation 1314, idineklara ang Hulyo 1 bilang special non-working day sa Pangantucan, Bukidnon para sa founding anniversary nito,
Proclamation 1315, idineklara ang Hulyo 1 bilang special non- non-working day sa Pangantucan, Bukidnon para sa founding anniversary nito; sa Magsaysay, Misamis Oriental para sa founding anniversary nito,
Proclamation 1316, idineklara ang Hulyo 1 bilang special non-working day sa Kibawe, Bukidnon para sa founding anniversary nito,
At Proclamation 1317, idineklara ang Hulyo July 1 bilang special non-working day sa Dipolog City, Zamboanga del Norte para sa founding anniversary nito. KRIS JOSE