MALAMANG na masibak itong hambog na opisyal ng Department of Labor and Employment sa oras na sumemplang ito sa ginagawang performance review ng Malakanyang para sa presidential appointees.
Napag-alaman na may kaso pala ang DOLE executive na minsan na nating itinago sa pangalang ‘Ka Tonyo’ matapos itong masangkot sa behest loans ng isang malaking government financial institution mahigit isang dekada na ang nakaraan.
Nadiskubre natin na naisyuhan rin pala ng warrant of arrest itong si Ka Tonyo ng Sandiganbayan at pina-dismiss sa government service ng Ombudsman kaugnay ng naturang kaso.
Nabuking din ang pagkaka-freeze ng bank account ni Ka Tonyo bunsod ng rekalmo laban sa kanya.
Kailan lang ay ibinunyag ng Malakanyang na magsasagawa ang pamahalaan ng performance review para sa mga presidential appointee tulad ni Ka Tonyo.
Layunin ng hakbang na masiguro na manatiling kwalipikao ang presidential appointees sa kanilang mga pwesto.
Sa ilalim nito, kinakailangan ng mga presidential appointee na naupo sa kanilang mga pwesto bago mag February 1, 2023 na magsumite ng updated Personal Data Sheet at mga clearance mula sa Civil Service Commission, National Bureau of Investgation, Office of the Ombudsman at Sandiganbayan.
Mahigpit na ipinag-utos ng Malakanyang ang pagsunod sa naturang polisiya.
Ang tanong, makalusot kaya itong si Ka Tonyo sa performance review gayong sumabit pala ito sa “behest loans” noong siya ay opisyal pa ng nasabing state bank?
Tiyak na maraming kilay ang tataas sa DOLE kapag nalaman nila na naging matindi pala ang atraso ni Ka Tonyo sa taumbayan. Paano kaya nakapasok si Ka Tonyo sa DOLE gayung may bahid pala ng dumi ang kanyang paglilingkod sa bayan?
Kinaiinisan si Ka Tonyo ng maliliit na empleyado ng DOLE dahil na rin sa pagiging kasmot nito. Madalas rin daw itong manghiya ng mga kasama sa trabaho.
Halos mamatay sa kahahalakhak ang mga biktima ni Ka Tonyo nang minsan itong gisahin at sabunin ng mga mambabatas dahil sa kanyang mga istupidong sagot sa mga katanungan ng mga senador sa isang hearing.