QUEZON CITY, Philippines – Isang sunog ang sumiklab sa isang residential area sa Brgy., Balingasa sa Quezon City pasado alas-3:00 ng madaling araw nitong Huwebes, Setyembre 11, 2025.
Pasado alas-4:12 ng madaling araw, itinaas ang sunod sa second alarm.
16 na firetruck mula sa BFP at 14 na firetruck mula sa mga fire volunteer ang rumesponde sa nasabing sunog.
Ayon kay Fire Senior Inspector Bernardo Soriano, Chief Investigation ng BFP Quezon City Fire District, masikip ang daanan patungo sa nangyayaring sunof kaya nahirapan sila sa pag responde.
“Masikip yung daan, nasa labas lang po yung mga firetrucks natin, nagladlad lang po tayo ng mga hose, para makapasok po tayo sa loob.”
Alas-6:29 ng umaga ng ideklarang fire-out ang sunog, ayon sa BFP.
Ayon sa tala ng barangay, 15 pamilya o 49 indibidwal ang apektado sa sunog.
Sa ulat mula sa BFP, isang 27-anyos na lalaki ang nagtamo ng 2nd degree burn at walang naitalang nasawi sa sunog.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pinagmulan ng sunog at halaga ng pinsala na iniwan nito. RNT/MND