Home NATIONWIDE UN secretary nanawagan ng masusing imbestigasyon sa Nepal protest

UN secretary nanawagan ng masusing imbestigasyon sa Nepal protest

257
0

Nanawagan si UN Secretary-General Antonio Guterres ng masusing imbestigasyon kasunod ng mga nakamamatay na protesta sa Nepal na ikinasawi ng 20 katao at pinilit na pinagbitiw si Prime Ministro KP Sharma Oli.

Sinabi ni Guterres sa X na sinisundan niya ang sitwasyon sa Nepal at ikinalulungkot ang mga nawalan ng buhay.

“I urge a thorough investigation, restraint to avoid further escalation of violence & dialogue towards forging a constructive path forward,” aniya.

Nanawagan siya sa mga awtoridad na sumunod sa batas ng karapatang pantao, na binibigyang-diin na ang mga protesta ay dapat maganap sa mapayapang paraan, igalang ang buhay at ari-arian.

Naghahanda nang simulan ni Pangulong Ramchandra PaudelĀ  ang proseso sa pagbuo ng bagong gobyerno matapos niyang tanggapin ang pagbibitiw ni Oli sa gitna ng mga nakamamatay na protesta mula noong Lunes, na nagdulot din ng halos 350 katao na nasugatan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here