Home OPINION KABAN NG BAYAN PINANGANGALAGAAN AT PINAUUNLAD NG  PRA, PEATC

KABAN NG BAYAN PINANGANGALAGAAN AT PINAUUNLAD NG  PRA, PEATC

SA Bagong Pilipinas ni Pangulong Bongbong Marcos ay ipinag utos niya sa mga Ahensya na “to create masterlist of government – owned lands sa ilalim ng Administrative Order no. 21.

The government will use the masterlist to ensure the efficient and effective allocation and utilization of the country’s land resources, including idle lands owned by the government .

Isang mahalagang ahensya pagdating sa government owned lands ay ang Philippine Reclamation Authority, the lead agency to regulate reclamation, create environmentally sustained land, promote coastal residence and DEVELOP government properties TO ADVANCE the country’s development goals.

Sa pangunguna ni Chairman Alex Lopez at ng PRA Board ay hindi lamang pinangangalagaan reclaimed properties kundi naitaas pa ang value of investment nito sa mahigit P110 billion sa taong 2023 (PRA Statement of Comprehensive Income, December 31, 2023).

Itinaas din ng grupo ni Lopez ang net profit before tax ng PRA sa mahigit P3.5 bilyon  noong 2022 sa  mahigit P115.bilyon noong 2023. Kaya nga ang total assets ng PRA ay tumaas din mula P35,899,346,816  ng 2022 at ngayon ay P150,726,010,143  ng 2023.

Napakalaking ambag ng PRA para sa economic efforts ni Pangulong BBM. Wala pa ang Administrative Order no. 21 ay nagawa na ng PRA ito.

Ilang araw bago pormal na umupo si Pangulong Marcos  ay nailathala sa ABS-CBN News noong May 23, 2022 na “BBM was not in favor of selling government assets to generate funds for his administration.”

“I’m always very wary of selling government assets. As a matter of principle, I’d rather not” pagdidiin ‘yan ni PBBM.

Itong magandang halimbawa ng PRA ang siyang sinusunod ng subsidiary nito na Public Estate Authority Tollways Corporation. Kaya naman ipinaglalaban ni PEATC officer -in-charge Dioscoro Esteban Jr. ang pangangasiwa at pangongolekta ng toll fees ng Cavitex.

Dahil pag-aari ito ng pamahalaan, pinaghirapang maitaguyod ng pamahalaan, hindi dapat ito mapunta sa pribado lalo na’t talo ang gobyerno bagama’t kinikilala ng pamahalaang PBBM ang kahalagahan ng pribadong investors para umunlad ang bayan  subalit dapat prayoridad ang interes ng bayan at hindi ang bulsa ng iilan.